September 18th, 2007
#3 - edsa iv
when are filipinos ever going to wise up?

when are filipinos ever going to wise up?
This entry was posted on Tuesday, September 18th, 2007 at 9:22 pm and is filed under comics. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Oct | ||||||
| 1 | 2 | |||||
| 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 |
| 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 |
| 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |
| 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 |
Latest HoyPinoy Comics
Recent Comments
Spread the Word!Share this webcomic with your friends. Place these buttons on your website and link back to HoyPinoy!
Contact
Filipino Comics Online - HoyPinoy!
Powered by Blue Rabbit Media using the ComicPress theme.
Modified by scout © 2007.

October 27th, 2007 at 1:34 am
ang tanong dyan: sino ba talaga ang ‘pwedeng’ gawing leader ng bansa?
i dont want to be idealistic..
pero sino nga ba???
October 27th, 2007 at 11:05 am
the thing is, yan ang mentality ng mga tao na gustong-gusto ng malacanang. yung tipong, “eh pare-parehas lang naman yan eh.” therefore maggi-give up na lang lahat. hayaan na lang si gloria na umupo kahit ang dami ng kalokohang nabubuko.
sino ang pwedeng gawing leader ng bansa? marami! pero hindi ako ang magde-desisyon nyan. idaan natin sa botohan. 90 million na ang populasyon natin. lahat ba yan mga bobo? lahat ba yan corrupt? kung ganun ako mag-isip, umalis na sana ako ng pilipinas. yung mga nag-iisip nun, sana umalis na lang din ng pilipinas, kasi kung nag-give up na sila, ibig sabihin wala na silang gagawin, wala na rin silang paki sa bansa. manhid na sila eh. tignan mo, kapag may nagrally dahil sa galit sa sistema, sasabihan pa nila na nanggugulo.
ang kailangan kasi nating maintindihan, ang eleksyon, isang araw lang yan. pero ang demokrasya, hindi natatapos sa eleksyon. hindi yung pagkatapos mong bumoto, hahayaan mo na kung sino yung nahalal na gawin ang gusto nya. ang america kaya maayos serbisyo sa mga tao nila dahil ang citizens nila dun, mareklamo. pano alam nila na sila ang taxpayers. sa kanila galing ang pera ng gobyerno. hindi nila sinasanto ang mga politiko nila. ang mga politiko nila ang takot sa mga tao. dito sa pilipinas baliktad kaya walang mangyari. madali tayong makuntento sa kung ano lang.
in a democracy, the people deserve their government. kuntento ka na ba kay gloria? kuntento ka ba sa sistema?
October 27th, 2007 at 5:45 pm
kahit kelan di ako naging kuntento sa kanya [hehe]..ginagawa nilang mang mang yung mga taong may pinag aralan.. tae!
at yung mga may pinag aralan..may alam sa tunay na demokrasya..pinapatay…sad but true..
kung meron nga lang akong magagawa eh..why not?Ang tingin nila saten..sa mga pilipino eh pwede nilang bola bolahin at lait laitin… na pwede nilang patayin in case na nagreklamo… bakit?kasi may lakas sila eh!.. alam nila na yung salitang ‘demokrasya’ sa mga pilipino eh ang mga pulitiko ang ‘tunay’ na namumuno…hindi ang pilipino ang tunay na may lakas..kundi sila!
natanong ko sa mga ka chatmates ko sa www.oyaye.com yun mga yun… too bad..i pity my counrty for having them..sana hindi na lang sila mga pilipino… masyado silang na ’sink’ in sa ‘love’…woooo~
badtrip!
October 27th, 2007 at 6:47 pm
yea. too bad, kasi, lagi na lang, ganyan ang eksena… yun bang isisisi ng mga tao yung mga kamalian na partly, eh kasalanan din naman nila. one, binoto nila yun, ipinagkatiwala nila yung pamamahala ng bansa natin sa mga taong yun. two, kahit sinong maupo sa pwestong yan, kung walang pagkukusa yung mga tao na simulan ang pagbabago, walang mangyayari, kahit si batman pa ang presidente ng pinas. we can’t put the blame dun lang sa mga taong trip nating sisihin, bago natin ibomba lahat ng sisi sa kanila, isipin nga natin kung wala ba tayong ginagawang mali…
October 28th, 2007 at 7:29 pm
sakto. kung di tayo gagalaw, wala talagang mangyayari. wag na tayo maghintay na may dumating na leader. alisin natin sa isip natin yung mentality of helplessness. lahat tayo may magagawa. ang simpleng discussion nga lang na ‘to, malaking bagay na. basta hindi tayo nananahimik.
ang EDSA, hindi tungkol kay cory, o kay ramos, o kay cardinal sin, o ang military. ang EDSA tungkol sa taumbayan. akala lang natin minsan insignificant tayo, pero sa totoo lang, all their power comes from us. kung wala tayo, wala sila.